WHO, kinupirma ang kaso ng  Deltacron sa Amerika at Europa

by Radyo La Verdad | March 11, 2022 (Friday) | 6936

METRO MANILA – Hindi pa nagwawakas ang COVID-19 pandemic, hindi rin ito tumitigil sa paglaganap ayon sa World Health Organization (WHO).

Ito’y bagaman may downward trend na ng COVID-19 cases at deaths sa buong mundo na nagsimula mahigit isang buwan na

“The pandemic is far from over and it will not be over anywhere until it’s over everywhere. The virus continues to evolve and we continue to face obstacle in distributing vaccines, tests and treatments everywhere they’re needed.” ani WHO Director-General, Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Habang patuloy ang hawaan, hindi rin maiiwasan na mag-mutate ang mga COVID-19 Variants.

Katunayan, ayon sa World Health Organization (WHO) may mga kaso nang kombinasyon ng Delta at Omicron na tinatawag na Deltacron

Ayon kay WHO COVID-19 Technical Lead Maria Van Kerkhove, inaaral pa nila kung gaano ito kabagsik at kabilis kumalat.

Sa pinakahuling pag- aaral ng mga researcher, mayroong 17 pasyente na may Deltacron ang na-detect sa Estados Unidos at sa Europe.

Hindi naman tumitigil ang bio surveillance sa Pilipinas upang matukoy kung anong mga COVID-19 variants na ang umiiral sa mga rehiyon.

Ayon kay health Sec Francisco Duque III, nanantiling ang Delta at Omicron ang mga naging predominant variants sa Pilipinas na naging sanhi ng mga nagdaang surge.

Nguni’t sa ngayon wala pa namang natutukoy na Deltacron sa Pilipinas.

“Binabantayan iyan ng ating Philippine Genome Center at tayo ay nakiibalita araw- araw minu- minuto patungkol dito para makapaghanda namn tayo saka- sakaling medyo mabigat o seryoso. Kung meron man ganoon pagtukoyo pagkilala itong sinsabi nilang Deltacron” ani DOH Sec Francisco Duque III.

Tanging ang who lang ang maaaring mag- deklara kung ang isang COVID-19 variant ay variant of concern, interest o under monitoring.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,