Inirerekomenda ng WHO ang pag-iwas sa pag-inom ng Ibuprofen kung ikaw ay may sintomas ng COVID-19, pagkatapos magbigay ng babala ang French Officials na maaring magpalala ito ng epekto ng virus.
Ang babalang ito ni French Health Minister Veran ay ayon sa pagaaral na nalathala sa Lancet Medical Journal na nagpapalagay na may “enzyme” na pinapalakas ng anti-inflamatory drugs katulad ng Ibuprofen ay maaring magpalala ng impeksyon ng COVID-19.
Ayon sa WHO spokesman Christian Lindmeier na kanilang pag-aaralan lalo ito para makapagbigay ng “guidance”.
Samantala, kanilang nirerekomenda na uminom ng paracetamol na lang kesa sa Ibuprofen kung mag “self-medicate”. Ito ay mahalaga.
Kanyang idinagdag na kung ito ay prescribed ng Healthcare Professional, sila ang bahala.
Kung may lagnat, uminom ng paracetamol, sulat nya.