White House at U.S. Capitol isinailalim sa lockdown dahil sa shooting incident

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 3491

WHITE-HOUSE
Isang gun shooting incident ang bumulabog sa US Capitol na nagdulot ng pagka lock down ng US Capitol building at White House.

Naganap ang shooting sa visitor area ng US Capitol.

Ang US Capitol ay ang gusali kung saan ginaganap ang assembly at meeting ng mga Senador ng America, at kasalukuyang na holiday vacation ang mga ito.

Ayon sa US Capitol Police, ito ay isang isolated incident at walang public threat sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring naka lockdown ang White House at US Capitol, ngunit pinalalabas na ang mga bisita at staff na nasa loob ng US Capitol.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspect na nagtamo ng sugat matapos mabaril ng mga pulis.

Isang babaeng bystander din ang sugatan sa insidente.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,