Apektado ng habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Base sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng malalakas na pag-ulan ang Palawan at Western Visayas.
Posible itong magdulot ng landslide at magpabaga lalo na sa mga mabababang lugar.
May mga pag-ulan o thunderstorms ding mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Namataan naman ng PAGASA ang panibagong low pressure area (LPA) na nasa 2,200km sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, posible itong maging bagyo at sa weekend ay inaasahang papasok ito ng Philippine are of responsibility (PAR).