Website ng NTC, na-hack ng ‘Anonymous Philippines’

by Radyo La Verdad | September 20, 2015 (Sunday) | 1987

hacked
Hi-nack ng grupong nagpakilalang Anonymous Philippines ang website ng National Telecommunications Commission o NTC kagabi.

Pinalitan ng mga hacker ang homepage ng NTC ng isang itim na larawan na may nakalagay na logo at pangalan ng grupo at may nakalagay na mensahe.

Nagpahayag ng pakikisimpatya ang Anonymous Philippines sa mga netizen hinggil sa nararanasang mabagal na internet speed sa bansa.

Ayon sa grupo, isa ang Pilipinas sa may pinakamabagal sa internet pyramid sa kabila ng pagbabayad ng mga subscriber ng kaparehong halaga o di kaya’y mas mahal pa kumpara sa ibang bansa.

Pinuna rin ng grupong nang-hack sa NTC website ang umano’y data capping o paglalagay ng limit sa mga ‘unlimited’ data plan.

Nakilala ang Anonymous Philippines dahil sa pangha-hack nito sa mga website ng gobyerno upang ipaalam ang kanilang mga saloobin.

Minsan na rin nitong hi-nack ang ilang government website ng China noong 2014 upang tutulan ang reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

Tags: ,