Hi-nack ng grupong nagpakilalang Anonymous Philippines ang website ng National Telecommunications Commission o NTC kagabi.
Pinalitan ng mga hacker ang homepage ng NTC ng isang itim na larawan na may nakalagay na logo at pangalan ng grupo at may nakalagay na mensahe.
Nagpahayag ng pakikisimpatya ang Anonymous Philippines sa mga netizen hinggil sa nararanasang mabagal na internet speed sa bansa.
Ayon sa grupo, isa ang Pilipinas sa may pinakamabagal sa internet pyramid sa kabila ng pagbabayad ng mga subscriber ng kaparehong halaga o di kaya’y mas mahal pa kumpara sa ibang bansa.
Pinuna rin ng grupong nang-hack sa NTC website ang umano’y data capping o paglalagay ng limit sa mga ‘unlimited’ data plan.
Nakilala ang Anonymous Philippines dahil sa pangha-hack nito sa mga website ng gobyerno upang ipaalam ang kanilang mga saloobin.
Minsan na rin nitong hi-nack ang ilang government website ng China noong 2014 upang tutulan ang reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.
Tags: Anonymous Philippines, NTC
METRO MANILA – Talamak pa rin ang gawain ng scammers na gumamit ng mga hindi rehistradong sim card sa kabila ng pagpapatupad ng sim card registration law ayon sa imbestigasyon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Kaya patuloy ang paalala ng CICC sa publiko na huwag pansinin ang mga mensahe o tawag na magmumula sa mga hindi kilalang numero.
Bunsod ng problemang ito, makikipagtulungan muli ang CICC sa National Telecommunication Commission (NTC) para makahanap ng paraan kung paano matitigil an mga ganitong gawain.
May nakikita rin ang CICC na loopholes sa sistema ng mga telco kaya hinihintay rin nila ang paliwanag mula sa mga ito.
Paalala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) mas maigi na huwag na itong patulan at i-report nalang sa mga kinauukulan.
METRO MANILA – Nagbabala ang National Telecommunications Commission (NTC) Region 11 sa publiko, na huwag bumili ng rehistrado nang SIM.
Ayon kay NTC Region 11 Regional Director Nelson Cañete, kapag bibili ng SIM card, ang may-ari o ang gagamit nito syang magrerehistro. O di kaya’y magpatulong sa kakilala kung hindi marunong.
Ang babala ng NTC Region 11 ay sa gitna ng isyu na nakalusot sa mga telco ang litrato ng isang unggoy matapos nilang subukang irehistro ito sa SIM registration.
Ayon kay Cañete anomang problemang posibleng maidulot ng SIM, kung sino ang nakapangalan dito ay siya ang mananagot.
METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 100 milyon ang mga nairehistrong Subscriber Identity Module (SIM) sa bansa.
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), 100,048,884 na ang registered SIM as of June 20, 2023.
59.55% ito ng 168,016,400 na active SIMs sa bansa.
Sa July 25 ang extended deadline sa pagpaparehistro ng SIM.
Tags: NTC, SIM Registration