Isang website ang inilunsad na makakatulong sa pagbuo ng mga polisiya upang masolusyunan ang mga nagaganap na kaguluhan sa Mindanao area.
Tinawag ang website na Bangsamoro Conflict Monitoring System o BCMS.
Laman ng BCMS ang isang database ukol sa monitoring ng mga kaguluhan sa mga Bangsamoro areas na may kaakibat pang pang analysis.
Ang mga impormasyon dito ay kinuha mula sa PNP at Media reports.
Naglalaman ito ng mga charts, tables, at mapa ng bilang ng mga kaguluhan sa ARMM.
Ilan sa mga makikita dito ang dami ng naganap na sagupaan ng mga rebelde at military, dahilan ng sagupaan at dami ng mga apektadong indibidwal.
Maaari itong iaccess ng lahat sa pamamagitan ng pagregister sa website nito na www.bcms-philippines.info. pwede ring idownload ang laman ng website sa oras na nakapagregister na. (Darlene Basingan/ UNTV News Correspondent )
Tags: Bangsamoro areas, Bangsamoro Conflict Monitoring System