Web application upang matukoy ang lokasyon ng mga faultline, inilunsad ng PHIVOLCS

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 2349

JOAN_APP
Mas magiging madali na ngayong malalaman ng publiko kung malapit sa aktibong fault line ang isang lokasyon, sa pamamagitan ng PHIVOLCS- Fault Finder.

Ang Fault Finder ay isang web based application na maaring ma-access ng sinoman, gamit ang kanilang mga smart phone at iba pang mobile devices.

Maaari itong gawing gabay sa pagtatayo ng bahay o gusali, o kung ang pinaplanong proyekto ay tinatahak ng isang aktibong fault line.

Sa pamamagitan ng pag-tap sa screen ay agad na makikita sa Fault Finder kung may fault na malapit sa iyong lugar.

Malaking tulong din ang app na ito upang malaman ng publiko ang mga paghahanda na dapat gawin, upang makaiwas sa anumang aksidente sakaling tumama ang malakas na lindol.

Bukod sa Fault Finder, inilunsad na rin ng PHIVOLCS ang LAVA o ang Local Active Volcano Archive.

Gamit ang mga datos sa LAVA app, mas mapag-iibayo pa ng mga researcher ang monitoring sa posibilidad ng pagsabog ng mga bulkan sa bansa.

Upang ma-access ang Fault Finder at LAVA, bisitahin lamang ang www.faultfinder.philvocs.dost.gov.ph, at www.wovodat.philvocs.dost.gov.ph

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,