Pina-alalahanan ng Department of Science and Technology o DOST ang publiko na pumunta sa ligtas na lugar sakaling may mabuong waterspout o buhawi sa kanilang lugar.
Kasunod ito ng ulat na ilang residente sa Tacloban City at sa halip na lumikas, ay inuna pa ang pagkuha ng video sa pananalasa ng buhawi noong Sabado.
Bagaman walang naitalang pinsala ang buhawi, sinabi ng DOST na lubhang mapanganib ito dahil sa taglay na malakas hangin at mist na may kasamang ulap.
Maaaring anila itong magdulot ng pinsala sa mga tatamaang bahay at ari-arian.
Ayon sa DOST, wala pa silang instrumento na kayang mag-detect ng pananalasa ng buhawi sa ngayon kahit may mga nakakabit na doppler radars sa kanilang weather station sa Guiuan, Eastern Samar.
(UNTV RADIO)
Tags: Waterspout