Itatayo na sa Norzagaray, Bulacan ang Angat Water Transmission Improvement Project o AWTIP sa Ipo dam.
Layunin ng proyekto na ayusin at pagtibayin ang tatlong tunnel ng dam na pitumpu’t limang taon na ring ginagamit sa pagsu-supply ng tubig sa Metro Manila, Rizal, Bulacan at ilang bahagi ng Cavite.
3.3 billion pesos ang inilaang pondo ng Asian Development Bank para sa proyekto.
Itatayo ang bagong tunnel number 4 mula sa ipo hanggang Bigti, Norzagaray na.
Kaya nitong mag-supply ng 1,600-million liters ng tubig kada araw sa labing-apat na milyong consumers ng National Capital Region at kalapit lalawigan.
Ang unveiling ceremony ng proyekto ay pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino The Third kahapon.
Tags: Bulacan, Metro Manila, supply ng tubig, Water transmission project