Water rescue, ipinamalas ng Philippine Coast Guard sa isinagawang Earthquake Drill

by Radyo La Verdad | July 30, 2015 (Thursday) | 2299

03 RESCUE
Ang LRT 2 depot ang magsisilbing command post ng Eastern Section ng Metro Manila sa oras na tumama ang 7.2 magnitude na lindol o ang tinaguriang the big one.

Dito magmumula ang planning at deployment ng mga equiment, manpower at mga kagamitan para sa pagrerescue.

Sa pagtunog ng sirena kaninang alas diyes y medya ng umaga bilang hudyat ng pagsisimula ng Metrowide Earthquake Drill, unang isinagawa sa Marikina ang simulation kung papaano ang pag-rescue sa mga biktima, sakaling gumuho ang isang istraktura.

Pinalabas ng gusali ang mga tao upang magtungo sa isang open area.

Sa unang scenario ipinakita ng mga rescuer at mga pulis ang mga dapat nagawin sakaling gumuho ang isang gusali.

Makikita ang agarang pagresponde ng MMDA Rescue Team at Red Cross ambulance upang dalhin ang mga sugatang biktima sa command post upang gamutin.

Ipinakita rin kung papaano ang gagawing retrival operation sakaling mayroong mga biktima na madadaganan ng debris kapag gumuho ang isang gusali.

Matapos ito, ay isinagawa naman ang rescue procedures sakaling mayroong mga sasakyan na mababagsakan ng poste ng kuryente dahil sa lindol.

Tulad ng unang senaryo, ipinamalas rin ng MMDA Public Safety at BFP ang gagawing pagresponde sa mga biktima.

Ang posiblidad nang pagguho ng marikina bridge ang isa sa mga naging sentro ng drill sa east area ng Metro Manila.

Dito ipinamalas ng Philippine Coast Guard ang water rescue procedures sakaling may mga taong mahuhulog sa ilog kapag bumigay ang tulay.

Gamit ang mga rescue boat, dito isasakay ang mga biktimang mahuhulog sa ilog, hanggang sa mailipat ang mga ito sa ambulansya.

Sa panghuling senaryo, dito naman ipinakita ang pagsagip sa mga tao mula sa ilog paakyat sa tulay gamit ang lubid o rappeling.

Tags: , ,