Water rationing ipapatupad na sa Iloilo City dahil sa nararanasang kakulangan sa tubig

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 1443

LALAINE_WATER-RATIONING
Dahil sa hindi sapat na supply ng tubig mula sa Metro Iloilo Water District, sisimulan na ngayong linggo ng lokal na pamahalaan ng syudad ang pagsasagawa ng water rationing.

Nasa 35,000 cubic meters ang normal water consumption kada araw ang mga demand ng tubig sa syudad ngunit mahigit 26,000 cubic meters lamang ang naisusupply sa ngayon dahil sa lumalalang epekto ng El Niño phenomenon.

Bumaba din ang daily production ng tatlong pinagkukunang watersheds at dalawang deep well ng MIWD.

Mula sa 29,000 cubic meters na production nito bawat araw bumagsak ito sa 19,000 cubic meters dahil sa nararanasang tagtuyot sa probinsya.

10,000 cubic meters na ibinaba sa produksyon ng tubig na katumbas naman ng 10,000 households na kumokonsumo ng one cubic meter kada araw na hindi masusuplayan ng tubig.

Kaya naman binigyan na ng prangkisa ng lokal na pamahalaan ang isang water supplier upang magsagawa ng water rationing sa mga lugar na hindi maabot sa serbisyo ng water district upang maibigay ang pangangailangan ng mga ito sa tubig.

Ngayong linggo sisimulan ng water supplier ang pagrarasyon sa 24 baranggay na walang tubig.

Noong nakaraang buwan ay isinailalim ang Iloilo City sa state of water calamity dahil sa problema sa supply ng tubig.

Tatlong milyong piso ang inilaang pondo ng lokal na pamahalaan upang masolusyunan ito.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,