Water rate adjustment para sa 4th quarter ng 2015, inaprubahan ng MWSS

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 1535

MAYNILAD
Magkakaroon ng dagdag sa singil sa tubig sa huling bahagi ng taon.

Ayon sa MWSS, inaprubahan na nito ang fourth quarter Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA para sa Manila Water at Maynilad.

Sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water, madadagdagan ang inyong bill ng 17 sentimo kada buwan kung kayo ay kumukonsumo ng 10 cubic meters pababa at hindi kabilang sa lifeline customers.

Dagdag na 20 sentimo kada buwan din para sa mga kumukonsumo ng 20 cubic meters at 79 centavo kada buwan naman ang dagdag para sa mga komokunsumo ng 30 cubic meters.

Sa mga sakop ng Maynilad, dadag na 36 na sentimo sa singil kada buwan para sa mga komokunsumo ng 10 cubic meters, P1.37 kada buwan para sa kumukumsuno ng 20 cubic meters at P2.80 kada buwan para naman sa mga komokunsumo ng 30 cubic meters. (Rey Pelayo / UNTV Radio )

Tags: ,