METRO MANILA – Bahagyang tumaas ang water level ng Magat dam sa Ramon, Isabela kahapon July 17.
Batay sa inilabas na update ng National Irrigation Administration Magat River Integrated System dam and Reservoir Division Forecasting and Warning System na 164.16 meters above sea level ang reservoir water level ng dam hanggang alas-5 ng umaga kahapon (July 17).
Ito ay mas mataas ng 2.46 na metro kung ikukumpara sa water elevation nitong 162.27 meters above sea level noong Miyerkules ng hapon July 12.
Sa kabila nito ay malayo pa sa normal operation rule curve ng dam na 176.72 meters above sea level.
Tags: Magat Dam