Water colour paintings na gawa sa maruruming ilog sa Pilipinas, nilikha

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 1516

DIRTY-PAINTINGS
Isang exhibit ng mga kakaibang painting ang nilikha ng grupo ng mga artist sa Pilipinas na naglalayong bigyang pansin ang mga maruruming ilog sa bansa.

Kumuha ang mga pintor ng mga sediment mula sa anim na kontaminadong ilog sa Maynila at ginawa ito base ng kanilang painting.

Ngunit bago muna ito ginamit ay inisterilize muna ito upang maiwasan ang bacterial contamination.

Gumugol ng anim na buwan ang mga artist upang mabuo ang kanilang obra maestra na tinaguriang “dirty watercolor”

Kada painting ay nagkakahalaga ng 40 thousand hanggang one hundred thousand pesos.

Lahat ng kikitain rito ay gagamitin para sa rehabilitation ng mga ilog.

(UNTV RADIO)

Tags: ,