Water allocation sa NCR at karatig lalawigan, ‘di muna babawasan ng NWRB

by Radyo La Verdad | April 3, 2023 (Monday) | 37219

METRO MANILA – Nasa 48 cubic meters per second ang unang inilabas na alokasyon ng National Water Resources Board (NWRB) ngunit humiling ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na pataasin bunsod ng nararanasang tag-init

Hindi na magkakaroon ng kabawasan sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan nito matapos ilabas ng National Water Resources Board (NWRB) ang pinal na desisyon nito dahil sa hiling ng MWSS na itaas sa 50 cubic meters per second ang pag-release ng tubig.

Nauna nang inaprubahan ng NWRB ang 48 cubic meter per second sa buwan ng Abril ngunit binago nito ang desisyon epektibo bukas (April 4) hanggang April 15.

Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Junior, ito rin ay upang ma-address ang sunod-sunod na water service interruptions na nararanasan sa Metro Manila at kalapit probinsya.

Tags: , ,