Waste-To-Energy Technologies, suportado ng Climate Change Commission

by Radyo La Verdad | July 25, 2023 (Tuesday) | 12993

METRO MANILA – Nagpahayag ng pagsang-ayon at pagsuporta ang Climate Change Commission (CCC) hinggil sa paggamit ng Waste-To-Energy (WTE) Technologies na pawang “pro-environment activities and investments” na maaaring tumugon sa problema ng bansa patungkol sa klima.

Binigyang-diin ni CCC Commissioner Albert Dela Cruz ang halaga ng pagbibigay pansin sa environmental issues kaugnay ng malalang weather condition ng Pilipinas kung saan aabot sa mahigit 20 bagyo kada-taon ang tumatama.

Dagdag pa niya, ang bansa ay mayroong warm seas dahil malapit ito sa equator kung saan nabubuo ang bagyo.

Pinasinayaan naman nitong July 14 ang bio-methanation and thermolysis machine sa Pagsanjan, Laguna.

Naglalayon itong matugunan ang proper waste disposal. Kaugnay ang naturang aktibidad sa green transition ng landfill gamit ang WTE Technologies na siyang inendorso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nitong Pebrero naman, nauna nang nagpasa ng Panukalang Btaas si Senate President Juan Miguel Zubiri na naglalayong magsagawa ng National Energy Policy and Regulatory Framework for Facilities gamit ang WTE Technologies na maaaring maging solusyon sa solid waste management problems.

(Joram Flores | La Verdad Correspondent)

Tags: ,