Nagtapos na ang isang buwang training ng ilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa ilalim ng Australian Defense Force o ADF na nasa Pilipinas ngayon.
Isang war game naman ang isinagawa ng mga participants sa Camp Crame kahapon upang ipakita ang kanilang mga natutunan, kabilang na dito ang ilang technique sa urban warfare o pakikipagdigma sa isang populated area.
Sinaksihan ang demonstration ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull at ilang opisyal ng AFP. Binati naman ng Prime Minister ang Philippine government sa agad na pagkakasugpo ng terorismo sa Marawi City.
Ang ADF ay kabilang sa nagbigay ng kanilang technical expertise sa mga Pilipinong sundalo bilang ayuda sa mga ito sa pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City. Malaking tulong umano ang ganitong training upang mas mapabilis ang operasyon.
Target naman ng dalawang panig na masundan pa ang isinagawang joint training.
( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )
Tags: AFP, Australian Defense Force, war game