War on drugs posibleng ibalik sa PNP – Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | November 20, 2017 (Monday) | 3950

Kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA upang kumustahin ang operasyon nito kontra iligal na droga. Nais ng Pangulo na Malaman kung lumala ba o hindi ang suliranin ng bansa sa illegal drugs.

Matatandaang ipinagutos ni Pangulong Duterte noong Oktubre na ang PDEA na ang solong ahensya ng pamahalaang haharap sa drug war dahil sa magkabi-kabilang pagtuligsa sa Philippine National Police na unang may hawak dito.

Subalit sa kaniyang talumpati sa Davao City noong Sabado, muli itong nagpahiwatig sa posibilidad na maibalik sa PNP ang war on drugs.

Muli rin nitong sinagot ang mga kumuwestyon kung bakit mahihirap ang madalas na napapaslang sa drug war ng pamahalaan. Ayon sa punong ehekutibo, mahihirap ang nabibiktima ng shabu.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,