War on drugs ng pamahalaan, ibabalik ni Pangulong Duterte sa PNP

by Radyo La Verdad | November 23, 2017 (Thursday) | 4147

Ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ang pangunguna sa war on drugs ng pamahalaan. 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagbisita sa mga sundalo sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija kagabi.

Ayon sa Pangulo, posibleng hindi kayanin ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagresolba sa problema sa iligal na droga sa bansa dahil sa kakulangan nito ng mga tauhan.

Kapag nangyari ito ay posibleng muling lumala ang illegal drug operations sa bansa.

Matatandaang noong Oktubre ay ibinigay ng Pangulo sa PDEA ang solong responsibilidad sa war on drugs ng pamahalaan dahil sa dami ng kritisismong natatanggap ng PNP.

Kaugnay ito ng pagtaas umano ng bilang mga napapatay sa kampanya laban sa iligal na droga.

Tags: , ,