Wanted: 8K MMDA rescue volunteers

by dennis | June 1, 2015 (Monday) | 2379
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Nangangailangan ng 8,000 rescue volunteers ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sumailalim sa three-day crash course sa emergency response.

Ayon kay MMDA Chairperson Francis Tolentino, libre nilang ibibigay ang naturang training para sa 8,000 katao na magiging bahagi ng Metro Manila Rescue Volunteer Core.

Sa kasalukuyan, mayroong 6,000 miyembro ang rescue team ng MMDA bukod pa rito ang 1,000 volunteers mula sa mga lokal na pamahalaan sa Kamaynilaan.

Sa mga nais lumahok sa emergency rescue training, kailangan ay 18 taong gulang pataas ang edad, at nasa magandang kondisyon ang kalusugan.

Ang pagsasanay sa rescue ay maaaring isagawa tuwing weekdays o weekend, depende sa bakanteng oras ng mga lalahok sa training.

Matatandaang nagbigay ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) dahil hinog na umano ang West Valley Fault na posibleng pagdulot ng 7.2 magnitude na lindol at nasa 37,000 katao ang maaaring mamatay.

Tags: , ,