Walong koponan, magtutuos sa UNTV Cup Executive Face Off na magsisimula sa Linggo

by Radyo La Verdad | May 4, 2018 (Friday) | 2709

Muling magbabalik sa hardcourt ng liga ng mga public servant; ang magigiting na heneral at colonel ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga mahistrado, judges at prosecutors ng Judiciary, Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman. Ang mga senador ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

At ngayong taon, makakasama na rin sa executive face off ang ilang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte at executives ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ang walong koponan ay magtutuos para sa one million pesos cash prize para sa tatanghaling kampyon na ibibigay naman nila sa kanilang napiling benificiaries.

Sa kabuuan ay aabot sa 2 million and 350 thousand pesos ang nakalaang premyo ngayong season.

Para sa AFP Cavaliers, malaking hamon sa kanila na idepensa ang championship title ngayong season.

Ang PNP Responders naman sa pangunguna ng bagong PNP chief na si Police Director General Oscar Albayalde, nangakong babawi matapos silang talunin ng AFP sa makapigil hingingang overtime game sa championship noong nakaraang executive face off.

Habang ang Senate Sentinels, Judiciary Magis, DOJ Justice Boosters, Ombudsman Graft Busters, GSIS Thunder Furies at Malacañang PSC Kamao na hindi rin nagpapahuli sa paghahanda.

Saksihan ang opening game ng UNTV Cup Off Season Executive Face Off sa Linggo, alas syete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,