Walong bayan sa Nueva Ecija, inalis na sa PNP election watchlist

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1456

GRACE_WATCHLIST
Nabawasan na ang mga lugar sa Nueva Ecija na kabilang sa election watchlist ng Philippine National Police.

Sa assessment ng PNP, mula sa dating labimpito noong Enero ay siyam na lamang ito ngayon.

Kabilang sa mga hindi na itinuturing na areas of concern ay ang Quezon Licab, Zaragoza, San Leonardo, Munoz, Sto.Domingo, Talavera at Gen. Tinio.

Samantalang ang siyam na bayan na mahigpit pa ring babantayan ng PNP ngayong election period ay ang Aliaga, Bongabon, Cabiao, Cabanatuan, Gapan, Jaen, Pantabangan, San Antonio at Talugtog.

Plano naman ng Provincial Police Office na magpatupad ng two is to one ratio o dalawang pulis sa isang voting center.

Mayroong 738 voting centers sa lalawigan at nasa 1,476 ang itatalagang mga pulis.

Plano rin nilang mag-request ng dagdag na 225 personnel mula sa regional police headquarters upang mabantayan ang areas of concern.

Tiniyak naman ng pnp na walang dapat ipangamba ang mga botante dahil nakalatag na ang kanilang security plan para sa araw ng halalan sa Mayo a-nueve.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,