Walong babae, kabilang sa Top 10 graduating Salaknib Class 2017 sa Philippine Military Academy

by Radyo La Verdad | March 7, 2017 (Tuesday) | 10091


Ipinakilala na ng pamunuan ng Philippine Military Academy ang top 10 cadets ng Salaknib Class of 2017 na magtatapos ngayong taon.

Sa sampung top cadets, walo sa mga ito ay mga babae.

Class valedictorian ang Novo Ecijano na si Rovi Mairel Martinez na anak ng isang barangay konsehal sa Barangay Bangad sa Cabanatuan.

Maliban sa top 1 ay may labing-isa pang award na tatanggapin si Martinez kabilang na ang Presidential Saber, Academic Group Award, Navy Professional Courses Plaque, Australian Defense Force Award at iba pa.

Top 2 naman ang Bicolano na si Philip Viscaya tubong Ligao City, Albay at mula naman sa Baguio City ang top 3 na si Eda Marapao.

Nasa top 10 rin sina:
Cathleen Baybayan
Carlo Canlas
Shiela Joy Jallorina
Shiela Marie De Guzman
Joyzy Funchica
Resie Hucalla
At Catherine Mae Gonzales

Ang graduating PMA Salaknib Class of 2017 ay binubuo ng 167 na kadete, 63 dito ay babae, 104 naman ang mga lalaki.

Ayon sa kauna-unahang babae na nakapagtapos sa PMA, hindi hadlang ang kasarian upang makamit ang pangarap.

Ang kauna-unahang batch ng mga babaeng pumasok bilang kadete sa PMA ay noong April 1993.

Inaasahan namang dadalo sa PMA graduation rites si Pangulong Rodrigo Duterte sa March 12 na kauna-unahang mula nang siya ay maluklok sa pwesto.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,