“Walk of shame” mayor, patay

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 3194

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang PNP Region 4A o Calabarzon laban sa gunman ni Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Si Mayor Halili ay binaril gamit ang m14 rifle sa gitna ng flag raising ceremony kaninang 7:30 ng umaga base sa kuhang video ni Gerry Laresma ng PIO ng Tanauan City Hall.

Ayon sa ulat ng PRO4A, dead on arrival sa CP Reyes Hospital si Mayor Halili kaninang 8:45 ng umaga dahil sa tama sa dibdib. Siya ay kabilang sa narcolist ni Pang. Rodrigo Duterte.

Nakilala ito dahil sa kanyang walk of shame campaign sa pamamagitan ng pagpaparada sa mga nahuhuli nyang sangkot sa iligal na droga.

Pangatlo na rin si Mayor Halili sa mga local government executives na nasa narcolist ng Pangulo na pinagtangkaan ang buhay, kabilang dito si dating La Union Cong. Eufranio Eriguel na napatay din habang nasa meeting de avance at Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot na hindi naman napatay sa ambush.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,