Walk Free from Fear Fashion Show, isinagawa sa Maynila

by Radyo La Verdad | June 25, 2018 (Monday) | 2578

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsanib-pwersa ang mga unibersidad sa Maynila upang labanan ang karahasan sa mga kababaihan sa pamamagitan ng isang fashion show na tinaguriang Walk Free from Fear.

Ginanap ito sa sa Plaza Salamanca sa Maynila upang ikampanya ang karapatan ng mga kababaihan kontra sexual harassment, kung saan ay nakararanas sila ng street harassment na hinahawakan o inaakbayan sa kalye.

Ang pagsasalita sa kanila ng mga salitang slut, pokpok, malandi, pa-virgin kapag maikli ang kasuotan, manang at boring naman kapag balot ang kasuotan.

Nagbigay ng solidarity messages ang mga estudyante mula sa UST Hiraya, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at UP Diliman.

Nagkaroon din ng spoken word poetry performance na tumalakay sa karanasan at pagkatakot ng mga kababaihan sa lansangan.

Ang mga tagapagtaguyod ng proyekto ay ang The Forum for Family Planning and Development and UN Women at pakikipagtulungan ni Senadora Risa Hontiveros at Councilor Krys Bacani ng ikaapat na distrito ng Maynila.

Ang aktibidad ay ginawa para magkaroon ng safe spaces o ligtas na kapaligiran sa mga kababaihan at para magbigay ng kaalaman sa mga kabataan ukol dito.

 

( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,