Walang resumption ng peace talks sa ika-28 ng Hunyo – Presidential Peace Adviser Sec. Dureza

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 5374

Hindi pa handa si Pangulong Rodrigo Duterte sa resumption o muling pagbalik sa pormal na usapang pangkapayaan sa mga rebeldeng komunista.

Ito ang inahayag ng punong ehekutibo ng pangunahan ang panunumpa ng mga barangay officials sa Region 4 kahapon.

Ayon naman kay Presidential Peace Adviser Secretary Jess Dureza, nais ng punong ehekutibo na magkaroon ng malawakang konsultasyon sa publiko at maging ang pribadong sektor hinggil sa usapang pangkapayapaan.

Wala pang detalye kung papaano, kailan at saan nila gagawin ang mga konsultasyon.

Naiparating na ng government panel sa counterpart nito sa makakaliwang grupo ang desisyong ipagpaliban muna ang pagbalik sa formal peace talks maging ang facilitator, ang Royal Norwegian government.

Isa rin sa inaasahan ng pamahalaan para mag-resume sa peace talks ang pagkaroon ng conducive environment.

Nobyembre noong nakalipas na taon nang ipatigil ni Pangulong Duterte ang peace talks sa makakaliwang grupo matapos ang fourth rounds dahil sa patuloy na pag-atake ng rebeldeng New People’s Army sa mga pwersa ng pamahalaan.

Kasunod nito, iprinoklamang terrorist group ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,