Walang banta sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa-Presidential Task Force on Media Security

by Radyo La Verdad | January 23, 2018 (Tuesday) | 2354

Ligtas sa anomang uri ng banta ang mga miyembro ng media sa Pilipinas, ito ang tiniyak ni Presidential Task Force on Media Security.

Sa kabila ito ng mga pahayag ng ilang media organizations na mayroong pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag katulad na lamang ng nangyayaring panggigipit umano sa online news organization na Rappler.

Ayon kay Undersecretary Joel Sy Egco, sinisiguro ng kasalukuyang administrasyon na mapoprotektahan ang mga mamamahayag sa bansa sa kabila ng mga death threats na kinakaharap ng ilan.

Samantala, sobra naman sa nararapat kung ituring ng Philippine Press Institute at National Union of Journalist of the Philippines ang ipinataw na parusa ng Securities and Exchange Commission sa Rappler.

Para sa naturang mga grupo, kung totoong may nalabag ito, masyadong mabigat ang parusang pagkansela sa kanilang lisensya.

Ayon kay Professor Danilo Arao ng UP College of Mass Communications, malinaw na Filipino-owned ang online news agency.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,