Wala pang kumpirmadong kaso ng new Coronavirus sa Pilipinas – DOH

by Erika Endraca | January 24, 2020 (Friday) | 9878

METRO MANILA – Patuloy na inaantabayanan ng Department of Health (DOH) ang resulta ng sample mula sa batang chinese sa Cebu na nag-positibo sa Coronavirus.

Ipinadala ng DOH sa Australia ang sample upang matukoy kung anong strain ng coronavirus ang nakaapekto sa bata.

Sa ngayon, ayon kay DOH Spokesman Undersecretary Eric Domingo wala pa namang kumpirmadong kaso ng bagong strain ng coronavirus sa Pilipinas. Nguni’t hanggang walang resulta mula sa Australia, mananatiling nasa isolation area ang batang Chinese

“Until now wala pa tayong confirmatory test. The patient is still admitted and magaling naman na iyong bata may kaunting ubo na lang. The patient is having some mild cough but no fever and so far the patient is doing well but we are not discharging the child” ani DOH Spokesman Undersecretary Eric Domingo.

Hindi rin nag- positibo sa Coronavirus ang flight attendant mula sa Wuhan, China matapos itong ma- quarantine. Maging ang pamilya mula sa Hong Kong ay hindi rin nakitaan ng mga sintomas at walang sakit.

Malaking katiyakan din aniya sa publiko na simula kahapon (Jan. 23) ay wala nang flight na magmumula sa Wuhan China.

Bunsod ito ng ipinatupad na transport lock down sa lahat ng mga biyaheng mula sa Wuhan China Ngayong Araw (Jan. 24).

“So iyong wuhan sinarhan talaga ngayon ng china. It’s a closed city and we do not expect any flights coming from Wuhan to the Philippines.” ani DOH Spokesman Undersecretary Eric Domingo.

Magre- reconvene din ngayong araw ( Jan. 24) ang emergecency commitee ng World Health Organization (WHO) upang pag- usapan kung magde- deklara ng global health emergency dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong strain ng Coronavirus

Ayon sa DOH sakaling, mag-deklara rin ng pandemic ang WHO ang DOH pa rin ang mangungunang ahensya para sa case management at disease control sa Pilipinas

Panawagan din ng DOH sa publiko, makinig lamang sa mga otorisadong ahensya ng pamahalaan sa pagde- deklara sa mga kumpirmadong kaso ng bagong strain ng Coranavirus

Maaari aniyang maging sanhi ng panic ang mga nababasang ulat online ng walang kumpirmasyon mula sa Health Department.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,