Wala nang buhay o naiwang katawan sa loob ng gumuhong Supermarket – Pampanga Police

by Erika Endraca | April 25, 2019 (Thursday) | 8723

Porac, Pampanga – Kinumpirma ng Pampanga Provincial Police na wala nang buhay o katawang naiwan sa loob ng gumuhong supermarket sa Porac Pampanga.

Gamit ang thermal scanner at k-9 dogs kinumpirma ng Pampanga police na posible wala nang katawan na nagdaganan sa ilalim ng nawasak na establisyimento.

Tanging ang naputol na paa na lamang ng isa sa mga biktimang nakaligtas ang sinasabing naamoy ng k-9 dogs na sinisikap na makuha ng mga rescuer.

 “As of 6:45 today the rescuers po ay sinasabing wala na po tayong tao dito sa loob either patay or buhay” ani Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo

Sa kabila nito, ipagpapatuloy pa rin ng nga otoridad ang search and rescue operations, sa pagbabakasakali na may makita pa ring katawan sa loob ng gusali.

“Hindi pa rin po mag-istop ang aming search and rescue operations dahil kung maaalala niyo, doon sa mga gumuho din po na buildings na gumuho sa ibang bahagi ng ating bansa ay may mga possibility pa rin po na after three or five days po ay may marerecover” ayon kay Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo

Batay sa record ng pulisya natagpuan na lahat ng 92 na empleyado ng Chuzon Supermarket, kung saan ang dalawa sa mga ito ay nasawi sa aksidente.

Sinimulan na ng department of public works and highways o dpwh  ang inisyal na clearing operations, at ayon sa PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) pinag-aaralan na nila na ibaba na sa search and retrival operation ang sitwasyon sa Chuzon Supermarket.

Kapag nangyari ito magbabawas na rin ng mga rescue mula sa national agencies, upang maipadala naman ang nga ito sa iba pang mga lugar na niyanig rin ng malakas na lindol.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,