Wage increase, sapat umano sa pangangailangan ng mga manggagawa – Malacañang

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 3421

Bukod sa Metro Manila, inaprubahan din ng wage board ang wage increase sa ilang rehiyon sa bansa.

Sampung piso ang aprubabong umento sa sahod sa Cagayan Valley at twelve to twenty pesos naman sa Region 4B o Mimaropa.

Dahil dito, magiging 320 to 360 pesos na ang daily wage rate sa Cagayan Valley habang 283 to 320 pesos naman sa Mimaropa Region.

Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na dumaan sa delibrasyon ng wage board ang 25 pesos wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinaniniwalaang makasasapat ito sa pangangailangan ng mga manggagawa sa Metro Manila sa ngayon, at posible ring madagdagan ang naturang dagdag sahod depende sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Tags: , ,