Wage hike petitions, hindi pa tiyak ng DOLE kung kailan maaaprubahan

by Radyo La Verdad | August 25, 2023 (Friday) | 5865

METRO MANILA – Hindi pa matiyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung kailan maaaprubahan ang mga nakabinbing umento sa sahod.

Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang pondo ng DOLE sa 2024, lumabas na hindi pa pala naakysunan ng regional level ng wage boards ang hinihinging dagdag sahod para sa mga manggagawa sa
Cental Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas at Central Visayas.

Ayon naman sa DOLE, mayroong Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magdedesisyon kung dapat na nga bang itaas ang sahod ng mga manggagawa sa isang rehiyon.

Kasama sa bumubuo nito ay ang mga investor o namumuhunan at ang labor force para sa ginagawang konsultasyon.

Sa ngayon, nasa iba’t ibang level na ng petisyon ang mayroon sa mga rehiyon at may nakatakda na ring mga pagdinig.

Tags: