Vulnerable sector, inirekomendang iprayoridad sa Bivalent vaccines

by Radyo La Verdad | June 6, 2023 (Tuesday) | 5391

METRO MANILA – Inirerekomenda ng isang health expert na isama na ang vulnerable sector sa mga dapat na mabakunahan ng COVID-19 Bivalent vaccines.

Sa isang panayam sinabi ng infectious disease expert na si Doctor Rontgene Solante na kung hindi masyadong tatangkilikin ng mga health worker at senior citizens ang bivalent vaccines, dapat itong maibigay sa mga tinatawag na immunocompromised o may mga comorbodities upang maiwasan na mag-expire o masayang lamang.

Noong Sabado (June 3) dumating sa Pilipinas ang mahigit sa 390,000 doses ng COVID-19 Bivalent vaccines na donasyon mula sa bansang Lithuania sa Europa.

Tags: ,