VP Sara, nilinaw na wala siyang kinalaman sa resignation call kay PBBM

by Radyo La Verdad | January 30, 2024 (Tuesday) | 2465

METRO MANILA – Nilinaw ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi n’ya kinausap ang kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte hinggil sa naging hamon nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-resign o bumaba sa pwesto.

Hindi rin aniya marapat ang natatanggap n’yang maling pagtrato ng ilang sektor na nakapaligid sa presidente.

Naniniwala ang bise presidente na ang boto ng taumbayan ang nagbibigay sa kaniya ng karapatan para sa trabaho.

Dahil aniya sa tiwalang ito ay kakayanin n’ya ang anomang pag-atake, black propaganda, paninirang puri, at ibang hamon na ibabato sa kaniyang pagkatao.

Tags: ,