METRO MANILA – Handang suportahan ni Vice President Sara Duterte sakaling magdesisyon ang kanyang amang si Dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumandidato sa susunod na eleksyon.
Sa panayam ng media kay VP Sara kahapon November 21, sinabi nito na buo ang kanilang suporta anoman ang desisyon ng kanilang ama sa politika, gaya na lamang rin ng pagsuporta na ibinibigay nito sa kanila.
Sa isang interview kagabi (Nov. 21) kay Dating Pangulong Duterte sinabi nito na mapipilitan siyang tumakbo bilang bise presidente o senador, sakaling ma-impeach ang kanyang anak na Vice President Sara Duterte.
Dagdag pa ng dating pangulo, mapipilitan aniya siyang lumabas sa retirement habang malinaw pa ang kanyang isip at binigyang-diin na ayos lang sa kanya ang pagtakbo bilang Vice President kung tatakbo bilang pangulo si VP Sara.
Kasunod ang naturang mga pahayag ng mga lumalabas na hinalang may ilang miyembro ng House of Representatives na nagpaplanong isulong ang pagsasagawa ng isang impeachment laban sa bise presidente.
Tags: Ex-PRRD, impeachment