VP Robredo, nangangalap ng inspiring at best practices ng mga community rehab centers

by Radyo La Verdad | November 21, 2019 (Thursday) | 2835
Photo for Vice President Leni Robredo Facebook page

Dumalo sa third anniversary ng Bagay Pagbabago Community Based Reformation Center sa bayan ng Dinalupihan, Bataan province si Vice President Leni Robredo.

Ang naturang rehab center ay nakapagtapos ng 23 batches o katumbas sa 937 na mga reformists o mga dating drug surrenderers.

Batay sa datus ng Bahay Pagbabago, kung pagbabatayan ang edad, pinakamaraming surrenderees ay mga millenials o mga may gulang na 27 hanggang 35 years old.

Batay naman sa mga trabaho, mga driver naman ang pinakamarami sa mga surrenderers ng naturang rehab center.

Ang bahay pagbabago ay mayroong 3p day in-house rehab program na sinundan ng 6 month follow-through program.

Naging key note speaker naman sa pagtitipon si VP Robredo bilang ICAD co-chairperson.

Ang naturang pagbisita ay bahagin pa rin ng paglalap ng Pangalawang Pangulo ng impormasyon hinggil sa mga epektibong pamamaraan sa paglaban sa ilIgal na droga.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: , ,