VP Robredo, mananatili sa pwesto hanggang matapos ang termino – Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | December 9, 2016 (Friday) | 1213

duterte-robredo
Mananatili sa pwesto si Vice President Leni Robredo hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Daraga, Albay kasunod ng balitang may binubuo umanong hakbang upang maaalis si VP Robredo sa pwesto.

Nilinaw din ng pangulo na sa kabila ng magkaibang pananaw nila ni Robredo sa magkakaibang isyu tulad na lamang ng Marcos burial at anti-drug war ng pamahalaan;

Nananatiling maayos ang working relationship nilang dalawa.

Nagpasalamat naman si Vice President Leni Robredo sa pahayag na ito ng pangulo na nagsisilbing reassurance sa kanya.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,