Nakatakdang bumiyahe ngayong araw patungong Estados Unidos si Vice President Leni Robredo upang maging keynote speaker sa 12th National Empowerment Conference ng National Federation of Filipino American Association.
Bukod dito, maghahanap din ang pangalawang pangulo ng mga organisasyon na makakatulong niya sa mga housing project sa bansa.
Ayon kay VP Robredo, may ilang Filipino associations na ang nagsabi na handa silang tumulong sa proyekto.
Noong Lunes, kasabay ng pagtanggap ng outstanding woman award mula sa Thailand government, nakipagpulong rin si Robredo sa Ministry on Social Development and Human Security nito.
Samantala, hiniling naman ni VP Leni sa Department of Budget and Management na ilipat na lamang sa iba pang proyekto ang natipid na pondo ng Office of the Vice President sa renta ng opisina.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: housing projects pagpunta sa Estados Unidos, VP Robredo