Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang umano’y lihim nilang pag-uusap ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Batay sa video na kumakalat ngayon sa social media, nagkita umano si Robredo at Bautista gabi ng July 12, ilang oras matapos atasan ng Korte Suprema si Robredo na magsumite ng comment sa election protest na inihain ni dating Senator Bongbong Marcos.
Ayon kay Robredo isang salo-salo ang kaniyang dinaluhan kung saan kasama nya ang kanyang tatlong anak at hindi niya nakausap si Bautista.
“Very malicious siguro mas maigi kung may secret meeting pinakita nya mismo na nag-uusap kami kasi wala namang ganun.” Pahayag ni Robredo.
(UNTV RADIO)
Tags: Commission on Elections Chairman Andres Bautista, social media, Vice President Leni Robredo
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com