VP Robredo at UN Officials nagpulong na; Health-based approach kontra droga, isusulong

by Erika Endraca | November 12, 2019 (Tuesday) | 2582
PHOTO Courtesy : Vice President Leni Robredo FB Page

METRO MANILA – Batay sa iniulat ng Interagency Committee On Anti-Illegal Drugs (ICAD) nasa 90% ng mga drug surrenderees ang mga slight user lamang ng illegal drugs . Kaya naman sa pagpupulong ni Vice President Leni Robredo sa core members ng Community Based Drug Rehab Alliance (COBRA), nais nitong paigtingin ang community based rehab bilang isang mahalagang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Laman ng pagpupulong ang isang pamamaraan sa pag kontra sa illegal na droga sa pamamagitan ng aspetong medikal o health-based at pang pananampalataya o faith-based approach.Ayon sa Pangalawang Pangulo, suportado rin ng Department of the Interior and Local Government ang naturang hakbang.

Samantala, nakipag pulong rin Kahapon (Nov. 11) ang opisyales ng united nations office on drugs and crime. Ayon kay Chief of Staff ng office of the Vice President Undersecretary Philip Dy, boluntaryong ibinahagi ng unofficial ang mga best practices ng ibang bansa hinggil sa anti-illegal drug campaign lalo ng mga bansa sa Southeast Asia. Nakatakda namang pulungin isa-isa ni Vice President Robredo sa mga member agencies ng ICAD sa mga susunod na araw.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,