VP Leni Robredo, naniniwalang walang basehan ang election protest ni dating Sen.Bongbong Marcos

by Radyo La Verdad | August 3, 2016 (Wednesday) | 2376

GRACE_VP-ROBREDO
Hindi pa natatanggap ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang kopya ng kautusan ng Supreme Court upang sagutin ang isinampang election protest laban sa kanya ni dating Senador Bongbong Marcos.

Gayunpaman, nakahanda siyang sagutin ito.

Tiwala rin si Vice President Robredo na wala matibay na basehan ang election protest.

Ang mas inaalala pa ng vice president sa ngayon ay saan niya kukunin ang pambayad sa kanyang abugado na magtatanggol sa kaniya.

Susubukan na niyang pakiusapan ang kanyang abugadong si Atty. Romy Macalintal na kung maaari ay babaan ang sisingilin sa kanya sa kaso.

Nais ni VP Robredo na maresolba na kaagad ang reklamong ito sa kanya ni Senator Marcos upang mapag-tuunan na niya ng pansin ang kanyang mga obligasyon bilang pangalawang pangulo at pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.

Ayon naman kay Atty.Romulo Macalintal, may bayad o wala handa siyang ipagtanggol ang botong ipinagkatiwala ng taumbayan kay VP Leni.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,