VP Leni Robredo, nagbayad na ng P8-million para sa kanyang counter-protest

by Radyo La Verdad | May 2, 2017 (Tuesday) | 2159


Nagbayad na si Vice President Leni Robredo ng 8-million pesos bilang cash deposit sa kanyang counter-protest bilang pagsunod sa kautusan ng Presidential Electoral Tribunal.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Barry Gutierrez, bahagi ng perang pinambayad ni Robredo ay nanggaling sa personal na pondo ng bise presidente habang ang natitira ay inutang sa mga kamag-anakan ng kanyang yumaong asawa na si Jesse Robredo.

Kabuuang 15-million pesos ang pinababayaran ng PET kay Robredo bilang deposito at kailangan niyang bayaran ang natitira pang 7-million pesos hanggang sa Hulyo.

Nakatakda namang idaos sa June 21, alas dos ng hapon ang preliminary conference sa protesta ni Bongbong Marcos sa pagkapanalo ni Robredo.

Tags: , ,