Nababahala si Vice President Leni Robredo sa mabilis na pagkakapasa sa committee level sa Kamara ng panukalang pagbuhay sa death penalty.
Kiniwestiyon ni Robredo ang pagkakapasa nito gayong wala pa umanong naipakitang sapat na ebidensya o pag-aaral na magpapatunay na mabisa ang pagpapataw ng parusang bitay para masupil ang krimen.
Ayon sa bise presidente tila minamadali ang pagpasa nito para lamang mapagbigyan ang kagustuhan ng pangulo.
Tags: nababahala sa mabilis na pagkakapasa ng death penalty sa komite sa Kamara, VP Leni Robredo