VP Leni Robredo, hindi pa pormal na tinatanggap ang pagiging pinuno ng Liberal Party

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 1538

GRACE_VP-ROBREDO
Isinasaalang alang ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga tungkulin bago lubusang tanggapin ang posisyon na maging pinuno ng Liberal Party.

Aniya, marami nang trabahong nakaatang sa kanya sa bilang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng at chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.

Para sa kanya mas karapat-dapat sa naturang posisyon ang mga miyembro ng lp na matagal na sa pulitika.

Base sa konstitusyon ng Partido Liberal, kung sino man sa kanilang mga miyembro ang nahalal sa pinakamataas na posisyon ang mamumuno sa partido.

Una naring sinabi ni dating Pangulong Aquino na si Robredo ang dapat na pumalit sa kanya bilang Chairman ng LP.

Sangayon naman sa kanyang desisyon si Liberal Party Vice Chairman Congressman Feliciano Sonny Belmonte Jr. upang mas matutukan aniya ni Robredo ang kanyang trabaho bilang bise presdente ng bansa.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,