VP Leni Robredo, handa nang pamunuan ang oposisyon

by Radyo La Verdad | July 11, 2018 (Wednesday) | 6495

Handa na si Vice President Leni Robredo na pag-isahin at pamunuan ang mga opposition group sa bansa.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng mga pag-uudyok umano sa kanya ng ilang tutol sa mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon pa kay Robredo, liban sa mga miyembro ng Liberal Party, may iba pang grupo at indibidwal din aniya na kapareho ng kanilang mga hinaing at saloobin ngunit hindi pa nagkakaisa.

Samantala, tinawag namang incompetent o walang kakayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo. Ito aniya ang dahilan kung bakit wala siyang balak bumaba sa pwesto kung ito lang aniya ang papalit sa kanya.

Samantala sa isang tweet, ipinagtanggol naman ni Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ng Office of the Vice President si VP Robredo.

Ayon kay Gutierrez, walang karapatan ang Pangulo na tawaging incompetent si Robredo lalo na at napakaraming isyu ang kinakaharap ngayon ng bansa gaya na lang ng all time high na inflation rate, extra judicial killings, traffic at ang lumalaking utang ng Pilipinas  sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,