VP Leni Robredo, binigyan ng 5 araw ng PET upang bayaran ang P8 million deposito sa kanyang counter-protest

by Radyo La Verdad | April 25, 2017 (Tuesday) | 1698


Hindi inayunan ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang hiling ni Vice President Leni Robredo na huwag muna siyang pagbayarin ng deposito para sa kanyang counter-protest.

Sa kanilang resolusyon ngayong araw, binigyan ng PET ng limang araw si Robredo upang bayaran ang 8-million pesos na paunang deposito sa kabuuang 15-million pesos na bayad upang madala sa tribunal ang mga kinokontestang balota.

Hindi naman pinagbigyan ng tribunal ang hiling ni dating senador Bongbong Marcos na i-dismiss na ang counter-protest ni Robredo dahil sa kabiguan nitong magbayad ng cash deposit.

Ayon sa PET, magpapasaya sila dito kapag nakatupad na si robredo sa kanilang utos na magbayad ng deposito.

Tags: , ,