Nanguna pa rin sa Pulse Asia presidential survey si Vice President Jejomar Binay sa kabila ng kaliwa’t kanang alegasyon ng korapsyon na ipinupukol sa kanya at sa iba pang miyembro ng pamilya Binay.
Bukod sa napanatili nito ang no.1 spot sa survey, tumaas pa ng tatlong percentage points ang ratings ni Binay kung saan mula sa 26 percent noong Nobyembre 2014, tumaas ito sa 29 percent ngayong Marso 2015
Samantala, pasok na sa top 5 sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 12 percent. Kapantay na nito si dating Pangulo at kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada na nasa ikatlong pwesto.
Samantala, nanatili pa rin sa ikalawang pwesto si Sen. Grace Poe na may 14 percent. Nasa ika-apat na pwesto naman si Sen. Miriam Defensor –Santiago na may 9 percent habang nasa ika-limang pwesto si Sen. Bongbong Marcos na may 6 percent.
Tags: Bongbong Marcos, Grace Poe, Joseph Estrada, Miriam Santiago, Pulse Asia survey, Rodrigo Duterte, VP Binay