Sinampahan ni Vice President Jejomar Binay ng 200 million pesos damage suit sa Makati clerk of court sina Senador Antonio Trillanes IV, Alan Peter Cayetano, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, at dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.
Kabilang pa sa mga ito sina Caloocan City Rep. Edgar Erice,Julia Abad, Mario Hechanova, Renato Bondal, Nicolas Enciso IV, Philippine Daily Inquirer, Bangko Sentral ng Pilipinas head Amando Tetangco Jr., at Teresita Herbosa.
Ayon Kay VP Binay, ito ay bunsod ng “well-organized and orchestrated effort” na paninira sa kaniyang reputasyon at pagpigil upang siya ay makatakbo sa pagka pangulo sa darating na halalan.
Nakasaad din sa report ang halos isang taong open ended hearings na isinagawa ng senado at gayun din ang pag freeze sa kaniyang bank accounts at sa iba pang iniuugnay sa kaniya kung saan pinaratangan Nina Trillanes at Mercado na mga dummy ni Binay.
Samantala, bwelta naman ng kampo ni Senator Trillanes,nagpapakita lang ito na nagpapanic na si VP Binay kaya sinusubukan na lang niyang takutin ang mga taong umuusig sa kanya. Gayunpaman ayon sa senador, haharapin nito ang kasong sa korte at ipagpapatuloy pa rin ang pagbubunyag sa mga umano’y katiwaliang ginawa ni VP Binay.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)