VP Binay, nagresign na bilang cabinet member

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 2257

VP BINAY
Nagbitiw na si Vice President Jejomar C. Binay bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino.

Batay sa ipinadalang statement ng tanggapan ni VP Binay sa UNTV News, ngayong araw nagsumite ng kanyang irrevocable resignation ang pangalawang Pangulo.

Ang anak nitong si Makati Representative Abigail Binay ang nagdala ngayong hapon sa tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ng resignation letter ng kanyang ama na naka-address sa Chief Executive.

Sinikap naming kunin ang personal na pahayag mula sa kampo ng mga Binay ngunit wala pang sumasagot sa aming mga tawag.

Samantala, sa text message ni USec. Abigail Valte, sinabi nitong kinukumpirma pa nila ang impormasyon.

Tags: , ,