Malakanyang, muling humingi ng paumanhin sa mga maaapektuhang sektor sa pagdaraos ng 2015 APEC Summit

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 2109

NEL_COLOMA
Tuloy tuloy pa rin ang paghahanda ng National Organizing Committee na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa sa pagdaraos sa bansa ng APEC Economic Leaders Forum sa November 18 at 19.

Ayon sa Malakanyang, malaking hamon sa kanila ang pagpapatupad ng seguridad sa mga APEC venue sa Metro Manila kaya ilang hakbang pa ang dapat na maisagawa batay sa naging rekomendasyon ni Pangulong Aquino.

Mismong si pangulong aquino ang naglibot sa mga APEC venue maging sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport upang matiyak na nakalatag na ang mga ipatutupad na seguridad sa pagdating ng world leaders.

Muli namang humingi ng paumanin ang malakanyang sa publiko sa mga abalang maidudulot sa pagsisimula ng APEC Summit .(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,